Modular Learning Modality: Karanasan ng mga Mag-Aaral Mula sa mga Liblib na Lugar sa Bayan ng Juban

  • Vaness D. Dimas Juban National High School Senior High School Department, Philippines
  • Luisa F. Desaliza Juban National High School Senior High School Department, Philippines
  • Kristine C. Gabito Juban National High School Senior High School Department, Philippines
  • Jillian Mae B. Mostera Juban National High School Senior High School Department, Philippines
  • John Emil D. Estera Juban National High School Senior High School Department, Philippines

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga karanasan ng mga mag-aaral nasa liblib na lugar sa kanilang pag-aaral na Modular. Nakatuon ang mananaliksik sa pag-alam sa mga sumusunod: Pinakatampuk na Karanasan ng mga Mag-aaral; Pagsubok na Kinakaharap ng mga Mag-aaral; Mga Pamamaraan ng mga Mag-aaral sa Paglutas ng mga Pagsubok. Deskriptibong penomenolohikal ang ginagamit sa pananaliksik. Pinili ang mga kalahok ng pag-aaral na ito gamit ang random sampling. Ang mga tumugon sa pag-aaral na ito ay mula sa Juban National High School na binubuo ng 25 mag-aaral mula sa Senior High na naninirahan sa liblib na lugar. Semi-structured na talatanungan ay ginamit sa isang pakikipanayam upang makalap ang mga kinakailangang datos. Nalaman ng pag-aaral na ito ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa liblib na lugar sa kanilang Modular Learning ayon sa learning modules, internet connection, oras, at pinansyal. Ang kawalan ng kaalaman sa pagsagot sa mga module, mabagal na internet koneksyon, kakulangan ng oras sa pagsagot ng modules at pinansyal na pananalapi para sa transportasyon at iba pang gastusin na may kaugnayan sa edukasyon na may epekto sa pag-aaral ng mga kalahok sa Modular Learning. Ang pag-aaral na ito ay nagmumungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na magbigay ng sapat na pondo sa paggawa ng learning modules para sa bisa ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Nagbibigay ng isang mas mahusay na koneksyon sa internet at balangkas ng oras ay nararapat na isaalang-alang. Mas malawak na impormasyon, pamamaraan at pag-aaral ang dapat ibahagi at pag-usapan upang magamit ng mga mag-aaral sa liblib na lugar sa kasalukuyang kalagayan ng Edukasyon.

Abstract (English)

This study aimed to determine the experiences of students in remote areas upon their Learning Modality, Modular. The researcher focused on finding out the following: Students ’Most Outstanding Experiences; Challenges Faced by Students; Students' Methods of Solving Their Problems. Descriptive phenomenological is used in the research. Respondents of this study were selected using random sampling. Respondents of this study were from in Juban National High School which consists of 25 Senior high students living in remote areas. Semi-structured questionnaire was used in an interview to gather the needed data. This study finds out students’ experiences in remote areas on their Modular Learning according to the learning modules, internet connection, time, and financial. Absence of knowledge in answering modules, slow internet connectivity, lack of modulation time and finance for transportation and other educational expenses have impact on the learning of the participants during Modular Learning. This study proposed to the Department of Education (DepEd) to provide an adequate funding in the manufacture of learning modules for the effectivity of students’ learning. Provides a better internet connection and time frame are to consider. Wider information, methods and learning are to be shared and discussed to be use by the students in remote areas in the present condition of Education.

Published
2022-04-10
How to Cite
Dimas, V., Desaliza, L., Gabito, K., Mostera, J. M., & Estera, J. E. (2022, April 10). Modular Learning Modality: Karanasan ng mga Mag-Aaral Mula sa mga Liblib na Lugar sa Bayan ng Juban. Puissant, 3, 520-537. Retrieved from //puissant.stepacademic.net/puissant/article/view/127
Section
Articles