Pagpapanatili ng Termino ng Machine Translation Bilang Pagpapayaman sa Korpus ng Wikang Filipino

  • Johnel Terante Lumacao Filipino Unit, Philippine Science High School Southern Mindanao Campus, Philippines
  • Melba B. Ijan Department of Filipino and Other Languages, Mindanao State University – Iligan Institute of Technology, Philippines
Keywords: machine translation, transference, equivalence, naturalisasyon, meaning-based

Abstract

Tumutukoy ang transference sa paglilipat o panghihiram ng mga salita sa simulaing lenggwahe (SL) tungo sa tunguhing lenggwahe (TL) nang walang binago sa estruktura at pagbabaybay. Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ang mailarawan ang mga teknik na ginamit ng machine translation mula Ingles patungong Filipino. Tiyak na layunin nito ang masuri ang paggamit ng transference o pagpapanatili ng termino ng machine translation bilang pagpapayaman ng korpus sa wikang Filipino. Kwalitatibong disenyo ang ginamit sa pag-aaral. Deskriptibo naman ang paraang ginamit ng mananaliksik. Kinuha ang datos mula sa opisyal na Facebook page Department of Health Philippines at Presidential Communication dahil ang datos ay hinggil sa COVID-19. Ginamit ang konsepto ng equivalence upang makita ang iba’t ibang paraan ng pagtutumbas ng pahayag. Inalisa rin ang datos gamit ang konsepto ng naturalisasyon upang makita ang kaangkupan ng ginawang pagtumbas. Batay sa mga nakalap na datos, lumitaw ang paggamit ng transference o pagpapanatili ng termino lalong-lalo na kapag salitang siyentipiko, teknikal, pangalan ng ahensiya ng pamahalaan at iba pang pangngalang pantangi. Napag-alaman din na hindi isang kahinaan sa isang machine translation ang pagpapanatili ng termino dahil nagpapayaman ito sa leksikon ng wikang Filipino at upang iligtas ang salin sa pagiging literal nito. Mula sa resulta ng pag-aaral, nabuo ang kongklusyon na may pagsunod sa pamantayan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) hinggil sa pagsasalin ng mga salitang teknikal, siyentipiko at maging mga pangngalang pantangi. Gayundin, sa pamamagitan ng teknik na ito mas yumayaman ang leksikon ng wikang Filipino.

(English Translation)

The term "transference" refers to the transfer or borrowing of words from the source language (SL) to the target language (TL) without changes in structure and spelling. The general objective of this study is to describe the techniques used in machine translation from English to Filipino. Its specific aim is to assess the use of transference or the retention of terms in machine translation as a means of enriching the corpus in the Filipino language. The study employed a qualitative design, with a descriptive research method. Data were gathered from the official Facebook pages of the Department of Health Philippines and Presidential Communication, focusing on COVID-19-related information. The concept of equivalence was utilized to observe different ways of aligning statements. The analysis of data also involved the concept of naturalization to assess the appropriateness of the alignment. Based on the collected data, the use of transference or the retention of terms emerged, especially when dealing with scientific, technical terms, names of government agencies, and other proper nouns. It was found that retaining terms is not a weakness in machine translation but rather enriches the lexicon of the Filipino language and rescues the translation from being too literal. From the study results, the conclusion was drawn that there is adherence to the standards set by the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) regarding the translation of technical, scientific terms, and even proper nouns. Additionally, this technique contributes to the enrichment of the Filipino language lexicon.

Author Biographies

Johnel Terante Lumacao, Filipino Unit, Philippine Science High School Southern Mindanao Campus, Philippines

Si Johnel T. Lumacao ay kasalukuyang nagtuturo ng Filipino sa Philippine Science High School Southern Mindanao Campus. Natapos niya ang kanyang Master ng mga Sining sa Filipino sa Mindanao State University – Iligan Institute of Technology noong 2022. Kasalukuyang tinatapos ang kanyang Doktor sa Pilosopiya sa Filipino sa University of Mindanao. Tagapayo rin siya sa journalism. Nakadalo na rin siya sa maraming kumperensiya at nakapagbasa ng papel-pananaliksik.

Melba B. Ijan, Department of Filipino and Other Languages, Mindanao State University – Iligan Institute of Technology, Philippines

Si Assoc. Prof. Melba I. Ijan ay kasalukuyang nagtuturo sa Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ng Mindanao State University – Iligan Institute of Technology.

Published
2024-01-29
How to Cite
Lumacao, J., & Ijan, M. (2024, January 29). Pagpapanatili ng Termino ng Machine Translation Bilang Pagpapayaman sa Korpus ng Wikang Filipino. Puissant, 5, 1794-1818. Retrieved from //puissant.stepacademic.net/puissant/article/view/279
Section
Articles

Most read articles by the same author(s)