Paghahanda ng Sarili Bilang mga Irosanong Gurong Magulang: Hamon sa Paaralan at Tahanan sa Panahon ng Pandemya
(Irosanon Teacher-Parents’ Preparedness: Challenge in Schools and Home in Times of Pandemic)
Abstract
Natiyak sa pag-aaral na ito na malaman ang mga pamamaraan para sa paghahanda ng Irosanong gurong magulang..1. Matukoy ang mga pamamaraan upang makabangon ang isang Irosanong gurong magulang sa mga suliranin sa edukasyon sa pagtuturo at sa tahanan.2.Matukoy ang mga positibo at negatibong dulot ng pandemya sa edukasyon at tahanan ng mga Irosanong gurong magulang.3.Makapagbigay ng panukala sa mga Irosanong gurong magulang sa mga gawain sa paaralan at gawaing pangkabuhayan sa tahanan batay sa resulta ng pag-aaral. Deskriptib analisis ang disenyo ng pag-aaral na ginamit ng mananaliksik, na gumamit ng purposive sampling sa pagkuha ng datos sa mga kalahok, ang mga nalikom na datos ay inanalisa, sinuri at binigyan ng interpretasyon sa estatistika tulad ng frequency count at pagraranggo. Ang naging kalahok ay ang mga Irosanong gurong magulang. Mga natuklasan: 1.May iba’t ibang pamamaraan ng ang mga Irosanong gurong magulang upang makabangon sa mga suliranin sa edukasyon at sa tahanan. 2.May mga iba’t ibang positibo at negatibong dulot ang pandemya sa edukasyon at tahanan. 3. Isang panukalang seminar-worksyap ang isasagawa. Kongklusyon ay: 1. Ang mga Irosanong gurong magulang ay may mga magkakaibang pamamaraan upang makabangon. 2.Magkakaiba ang mga positibo at negatibong dulot ng pandemya. 3. Ang awtput na nagawa ay isang plano sa pagsasagawa ng seminar-worksyap para makatulong paglinang ng mga makabagong modalidad sa pagtuturo sa paaralan at sa mga gawaing pangkabuhayan sa tahanan. Rekomendasyon: 1. Hikayatin ang mga gurong magulang at komunidad na patuloy na umisip ng paraan upang labanan ang mga suliraning. 2. Tangkilikin ang mga seminar-worksyap o mga babasahing magbibigay ng impormasyon ng mga gurong magulang. 3. Ang lokal na pamahalaan ay maglaan ng programa na tutulong sa mga gurong magulang at sa komunidad. 4. Magsagawa ng pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik nang sa gayon ay mapalalim pa ang pagtuklas sa mga kaalamang makatutulong upang mas mapahalagahan ang kahandaan.
Abstract (English translation)
This study aims to know the methods used by Irosanon teacher-parent in the school and in their home as a means of readiness. 1. To determine the methods used by Irosanon teacher-parent to recover from pandemic2.To determine the positive and negative effects of pandemic of the Irosanon teacher-parents.3.To suggest an activity in school and a livelihood at home in relation to the result of the study. The descriptive analysis method was used by the researcher that used purposive sampling in data gathering to the participants, the data gathered were analyzed, checked and given statistical interpretation such as ranking and frequency count. The respondents were Irosanon teacher-parents. Findings: 1. There were different kinds of methods the teacher-parents used to recover from the pandemic. 2. There were different kinds of positive and negative effects of pandemic in schools and home. 3. A proposed seminar-workshop would be conducted in order to help developing skills a new normal modality of teaching in schools and a means of livelihood at home.Conclusion:1.The Irosanon teacher-parents has their own different ways in recovering problems in their schools and home.2.There were differences of negative and positive effects of pandemic in schools and home. 3. The output of the study is a proposal to conduct a seminar- workshop in order to develop skills in a new normal modality and a means of livelihood. Recommendation: 1. Encourage the teacher-parents and the community to continue in finding ways in order to recover. 2. Encourage to patronize seminar-workshop and read books and related readings that can add information and can help in current modalities of teaching and to create a means of livelihood. 3. The local government should plan a program that can help the teacher-parents and the community to alleviate and to create solutions.4.To conduct a study in relation to the present study in order to more deepen the discovery of knowledge in valuing the preparedness.