Sipat-Siyasat sa Karanasan at Kakayahan ng mga Mag-aaral sa Pagsulat ng Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura Gamit ang Repertory Grid Method

  • Dominic Patric Garcia Galdonez Philippine Science High School-Ilocos Region Campus
Keywords: karanasan, kakayahan, repertory grid method, action research, mixed methods

Abstract

Nilayon ng pananaliksik na ito na sukatin ang kabisaan ng repertory grid sa pagsulat ng mga mag-aaral ng rebyu ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral sa kanilang mga natukoy na mga paksang pampananaliksik. Dinalumat din ang kanilang mga karanasan sa paggamit ng nasabing interbensiyon. Tinukoy ang limampu’t dalawang (52) mag-aaral sa ikalabindalawang baitang ng Philippine Science High School-Ilocos Region Campus sa panuruang taong 2022-2023 bilang mga respondante. Tinukoy ang dalawang seksiyon ng mga mag-aaral—Kontrol at Eksperimental na kapwa may dalawampu’t anim na mag-aaral. Ginamitan ang pag-aaral ng mixed method na lapit ng pananaliksik. Ang repertory grid method ang ginamit na interbensiyon sa pag-aaral. Batay sa mga datos na nakalap, ang resulta ng pretest ng dalawang pangkat ay hindi nagkakalayo at walang makabuluhang pagkakaiba. Natukoy rin sa resulta ng posttest ng dalawang pangkat ay may makabuluhang pagkakaiba kung saan mas mataas ang naging iskor ng mga nasa eksperimental na pangkat kaysa sa mga nasa kontrolado. Napatunayan din sa mga resulta ng pretest at posttest ng dalawang pangkat na may makabuluhang pagkakaiba dahilan na mas tumaas ang iskor ng mga mag-aaral na nasa pangkat na eksperimental kaysa sa pangkat na ginamitan ng tradisyonal na pamamaraan. Nadalumat din ang tatlong temang nabuo mula sa karanasan: mas organisado; mas napadali; at mas napaiksi ang oras sa paggawa ng gawain. Mula sa mga resulta, masasabing ang repertory grid method ay mabisang estratehiya sa pagtuturo at pagsusulat ng mga rebyu ng kaugnay na literatura at pag-aaral. Mahalagang masolusyonan ng mga guro ang mga ganitong problema sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral lalong-lalo na sa mga paksang pampananaliksik dahilan na bago sa kanila ang pagsusulat ng isang teknikal na papel at wala pang gaanong sapat na kaalaman sa mga teorya at konsepto ng pagbubuo ng isang mahusay na papel pananaliksik.

(English Translation)

 The aim of this research was to assess the effectiveness of the repertory grid in improving the writing skills of students in reviewing related literature and studies on their identified research topics. Their experiences in using this intervention were also documented. Fifty-two (52) students from the twelfth grade of the Philippine Science High School-Ilocos Region Campus for the academic year 2022-2023 were identified as respondents. Two sections of students were distinguished — Control and Experimental, each with twenty-six students. A mixed-method research approach was utilized. The repertory grid method was employed as the intervention in the study. Based on the gathered data, the results of the pretest for both groups showed no significant difference. However, the posttest results indicated a significant difference, with the experimental group scoring higher than the control group. The results of both the pretest and posttest demonstrated a substantial difference, as the scores of students in the experimental group were higher than those in the control group using traditional methods. Three themes emerged from the experiences: more organized, easier, and less time-consuming in completing tasks. From the results, it can be concluded that the repertory grid method is an effective strategy in teaching and writing reviews of related literature and studies. Teachers should address these challenges in teaching and learning, especially in research topics, as students are often unfamiliar with writing technical papers and lack sufficient knowledge of the theories and concepts of crafting a well-structured research paper.

Published
2024-01-28
How to Cite
Galdonez, D. P. (2024, January 28). Sipat-Siyasat sa Karanasan at Kakayahan ng mga Mag-aaral sa Pagsulat ng Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura Gamit ang Repertory Grid Method. Puissant, 5, 1285-1299. Retrieved from //puissant.stepacademic.net/puissant/article/view/244
Section
Articles

Most read articles by the same author(s)